Friday, February 20, 2009

Bigtime Jeepney Ride

"Bayad po."
"Saan bababa?"
"Robinson po," sabi ni Drei sa tsuper.

Ordinaryong Sabado ng gabi. Pauwi si Drei galing sa bahay ng kanyang kaklase sa San Juan. Walang kamalay-malay ang damuho na ang nakakabagot na biyaheng ito ay magiging masaya rin sa huli.

Biyaheng San Juan-Rosario ang dyip na nasakyan niya, pero hanggang Meralco lamang ang biyahe nito. Dumadaan ito sa Pinaglabanan Shrine, Greenhills Shopping Center, at Robinson's Galleria, kung saan bababa muna si Drei bago umuwi sa ParaƱaque. Maluwag ang dyip; apat lamang silang pasahero nito.

May pumara sa dyip sa tapat ng the Arena - ang sinasabi nilang tahanan ng volleyball. Marami ata ang sasakay, sa isip-isip ni Drei... may kasama pang bakla! Nasa P. Guevarra pa lang ang dyip dinig na dinig na sila. Sa wakas nakasakay na ang buong grupo nila. Ang dyip na aapat lang ang pasahero, aapat na lamang ang makakaupo! In fairness dun sa nakaupo sa dulo, may hitsura... Nakasuot siya ng itim na blusa, nakalugay ang mahaba niyang buhok, medyo chinita... teka lang...

"Parang kilala ko ata ito ah..."

At kilala nga niya. Si Bernice Co ng UST Women's Volleyball Team. Ikaw na ang maging Drei! Isa kang maswerteng nilalang.

Ang tanong na lang, ano ang gagawin niya?

(a) Magpapa-autograph
(b) Kakamayan niya si Bernice
(c) Tititigan na lamang si Bernice
(d) None of the above

Ikaw na ang maging Drei. Ikaw na rin ang maging torpe.

Huminto ang dyip sa Madison Street sa hudyat ng pulang ilaw ng stoplight. Maya-maya pa'y may dumaan na nagtitinda ng bulaklak at tumapat sa estribo ng dyip. Tamang-tama ang dating niya; bibigyan na lamang niya ng rosas si Bernice. Nakaltasan siya ng trenta pero walang kaso kay Drei.

Abalang-abala ang mga pasahero sa kani-kanilang pakikipagkwentuhan sa mga katabi nila. Natural, pinakamaingay ang grupo nina Bernice, sa dami ba naman nila. May magkaibigang nag-uusap tungkol sa pulitika. May mag-asawa rin silang nakasabay. Kanina pa pinagmamasdan ng anak nilang babae ang bulaklak na hawak ni Drei. Ngayon ay hinahawak-hawakan na ito ng bata. Pinipigilan na ng kanyang ina ang anak, pero bubwelo na sa pag-iyak ang bata.

"Eto oh... sa iyo na lang." Inabot niya ang rosas sa bata.
"Naku, hijo, wag. Baka magalit ang girlfriend mo," sagot ng ama ng bata.
"OK lang po." At kinuha na ng tuluyan ng bata ang bulaklak. Paalam trenta pesos.

Nakalagpas na ng La Salle Greenhills ang dyip, at malapit na sila sa panulukan ng EDSA at Ortigas. Paghinto ng dyip, akmang bababa na ang grupo ni Bernice. Ano na ang gagawin ni Drei?

Bahala na si Batman.

Inunahan niya sa pagbaba ang grupo. Nagtatakbo siya't tila may hinahanap, at mukhang nakita na niya ito: Isang bulag na manganganta na nakapwesto sa tapat ng POEA.

"Manong, alam n'yo po ba ang 'Annie's Song' ni John Denver?"
"OO hijo."
"Magkano po ibabayad ko sa inyo?"
"Bahala ka na."

Akmang titipa na ang bulag pero pinatigil muna siya ni Drei at inabutan niya ang bulag ng singkwenta. Hinanap ng kanyang mga mata si Bernice, at ayun, papalapit na sila sa kanila. Pinaaalahanan niya uli ang bulag na hintayin siya. Lumapit na siya kay Bernice

"Hi Bernice! Ako si Drei, fan mo ako."
"Talaga?" at napapangiti si Bernice. Naghiyawan at nagsipulan naman ang mga kasama niya.
"Ah... eh... Pwede ba kita mahiram saglit?" Tinuro niya ang daan dun sa bulag. At binulungan niya ang bulag na simulan na ang pag-awit.

"You fill up my senses like a night in a forest
Like the mountains in springtime, like a walk in the rain..."

Pagkatapos ng awitin, kinausap uli ni Drei si Bernice...

"Ah... ano... sensya na..." impit na bigkas ni Drei
"Bakit naman?"
"eh... kasi... yung bulaklak kanina... ano... sa'yo ko sana ibibigay... eh..."
"Hahaha..." At napangiti na naman si Bernice. "OK lang iyon. Kesa umiyak yung bata diba?"

Saglit na katahimikan. Bumalik na ang bulag sa pagkanta.

Si Bernice na ang nauna, "Ikaw rin ba ang nagpa-request ng kanta?" Tumango si Drei.
"Salamat." Hinalikan niya sa pisngi si Drei at kinamayan. At nagpaalam na ang grupo nila sa kanya; biyaheng Fairview naman sina Bernice.

"Like a storm in a desert, like a sleepy blue ocean
You fill up my senses, come fill me again..."

Thursday, February 19, 2009

The Return of Biyaherong Pilipino

It has been long ago since I last posted here.

I'll be posting your travel stories. Soon ;D